Hinihinalang miyembro ng local terrorist group sa Sarangani, arestado

MAASIM, Sarangani – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng isang local terrorist group sa Maasim, Sarangani.

Kinilala ang suspek na si Moralen Conception Mashoy, residente ng Barangay Kanalo.

Naaresto ito sa ikinasang drug buy-bust operation ng awtoridad kamakailan.

Ikinasa ang operasyon laban sa suspek, makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa nasabing barangay.

Sa isinagawang buy-bust operation ay nakuha mula sa suspek ang pitong sachet ng shabu.

Ayon sa PDEA, si Mashoy ay kabilang sa mga pinaghihinalaang miyembro ng Ansarul Al-khilafa Philippines, na isa sa apat na local terror groups sa lugar.

Ang tiyahin umano ni Mashoy ay asawa ng napatay na AKP leader na si Tokboy Maguid.

Sinasabing isa si Mashoy sa mga nakatakas na terorista nang isagawa ang operasyon laban sa AKP na ikinasawi ni Maguid noong buwan ng Enero.

 

Related Post

This website uses cookies.