Ni Rox Montallana
Eagle News Correspondent
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Muling naglabas ng babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga shellfish na nakuha mula sa Honda Bay, Puerto Princesa City ay nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison. Ito ay base na rin sa latest laboratory results ng BFAR at Local Government Units (LGUs).
Ang ilang bahagi ng Irong-Irong, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar; Matarinao Bay ng Eastern Samar; Coastal waters ng Leyte at Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur maging ang ilan pang coastal area ng Mandaon sa Masbate; at coastal area ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay and Samal) ay nanatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison.
Kaya patuloy na pinag-iingat ng BFAR at ng lokal na pamahalaang panlalawigan ang mga residente na apektado ng red tide toxin.
Dagdag pa nila na linising mabuti bago lutuin at siguraduhing sariwa ang mga binibili para makaiwas sa mga maaaring pinsala dulot ng red tide.
(Eagle News Service)