CLARK, Pampanga (Eagle News) – Isinagawa sa Clark, Pampanga ang 21st Philippine International Hot-Air Balloon Festival noong Huwebes ng gabi, February 9. Tampok ang paglipad ng mahigit 40 na malahigante at makukulay na mga balloon mula sa ibang bansa. Ito ay may temang “A weekend of everything that flies”.
Tatagal ng tatlong araw ang nasabing aktibidad na ini-organisa ng Deparment of Tourism (DOT) Region 3 at ng Clark Development Corporation (CDC). Suportado din ang Bases Comversion Development Authority (BCDA), Civil Aeronautical Authority, at iba pang Sport Organization.
Pinalipad ng mga Foreign Aviators ang kanilang mga hot-air balloon na kanilang ginawa at dinesenyo para sa nasabing event. May sumali ring ilang Pilipino sa pagpapalipad sa himpapawid ng kanilang hot balloons.
Tampok rin ang ibang grounds activities tulad ng Sky Diving, Paragliding Exhibitions at Radio-controlled Aircraft Flying.
Maraming mga lokal at foreign tourist ang dumayo upang panuorin ang Hot-Air Balloon Festival at pinagbubunyi ng DOT na ang nasabing annual event ay siya ring pinakamalaking Balloon Festival sa Southeast Asia.
Isa sa mga pangunahing proyekto ng Clark Development Corporation para sa Clark ang Philippine International Hot-balloons Festival at unang inilunsad ito ng Department of Tourism pagkatapos ng mapinsalang pagsabog ng pagsabog ng Mt. Pinatubo noong 1993.
Ener Ocampo at Jo Ann David – EBC Correspondent, Pampanga