House of Representatives bumisita sa Dapitan City para sa Nautical Highway Visit

DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Mainit ang naging pagtanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Dapitan City sa ginawang pagbisita ng mga miyembro ng House of Representatives of the Philippines sa Dakak Park & Beach Resort, Dapitan City, Zamboanga del Norte. Ito ay pinangunahan ni Congressman Pantaleon D. Alvarez, Speaker of the House of Representatives.
Ang mga kongresista ay lulan ng RORO vessels na bumibyahe na may rutang Dumaguete-Dapitan kung saan dala nila ang modernong bus ng Kongresso at isa pang bus ng Philtranco, at iba pang pribadong sasakyan. Ang naturang convoy ng mga kongresista ay kasalukuyang nagsasagawa ng Western Mindanao Nautical Highway Visit. Nagsimula ito noong March 17 ng taong ito sa pamamagitan ng RORO vessels mula Batangas-Calapan, Caticlan-Iloilo, Bacolod-Dumaguete-Dapitan.
Tumuloy ang mga kongresista sa kanilang isinagawang Western Mindanao Nautical Highway Visit patungong Cagayan de Oro, Malaybalay Bukidnon, Davao City at General Santos. Masaya at nagpasalamat ang lokal at probinsyal na pamahalaan sa nangyaring pagbisita. Nakita aniya nila ang magagandang tanawin sa kilalang Shrine City of the Philippines. Ang Dapitan ang siyang nangunguna sa turismo sa Mindanao.
Lady Mae Reluya – EBC Correspondent, Zamboang del Norte
Alvarez
Alvarez
Related Post

This website uses cookies.