MANILa, Philippines (Eagle News) — Ikinatuwa ni Vice President Leni Robredo ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang itinalaga bilang Tagapangulo ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Ayon kay Robredo, mas mapaglilingkuran niya ang mga Pilipinong walang tahanan at maipagpapatuloy ang mga pangako para sa kaunlaran at kaginhawahan ng mga mahihirap na Pinoy.
Kaugnay nito, nagpasalamat rin ang bise-presidente sa tiwalang ibinigay ni Pangulong Duterte para pamunuan ang nasabing ahensya.
Dagdag pa ni Pobredo, ang pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay ay matagal nang adhikain ng kanyang asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo.