(Eagle News) – Pinangangambahan na magkaroon ng humanitarian crisis sa mga evacuation center dahil sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at mga rebeldeng grupo sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, mas maraming evacuees ang nagkakasakit habang tumatagal ang sagupaan. Kabilang aniya sa mga dumadapong sakit ay lagnat at diarrhea sa mga bata at matanda sa mga evacuation center.
Nagpahayag din ng pangamba si Valle sa pananatili ng mga evacuee sa kanilang mga bahay sa halip na sa mga evacuation center.
Umaasa naman ang opisyal na made-decongest ang mga siksikang evacuation center sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.