Humigit-kumulang 5,000 turista, bumisita sa Calaguas Island nitong nakaraang linggo

Vinzons, Camarines Norte – Pumalo sa humigit-kumulang 5,000 katao ang nagtungo sa Calaguas Island nitong nagdaang linggo batay sa Philippine Coast Guard – Camarines Norte (PCG) na nakabase sa Brgy. Banocboc sa bayan ng Vinzons.

Ayon kay Petty Officer First Class Mario Allan Rosales, walang naitalang malalaking problema at pangkalahatang naman umanong naging maayos ang sitwasyon sa isla nitong mga nagdaang araw sa kabila ng maraming turistang nagbakasyon sa Mahabang Buhangin.

Batay sa monitoring ng PCG, nakabalik na ang lahat ng mga turistang mula sa isla gayundin ang mahigit na 30 sa mga ito na stranded kamakalawa makaraang pigilan ng PCG ang mga bangka sa pagbyahe dahil na rin sa pagtataas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng Gale Warning sa mga karagatang sakop ng Camarines Norte.

Dagdag pa ni Rosales, inagapan nila na hindi muna makabyahe ang mga natitira pang bakasyunista sa isla para na rin sa kanilang kaligtasan dahil sa matataas at malalaking alon.

Samantala, nakauwi na rin sa kani-kanilang destinasyon ang nasa mahigit 30 turista na na-stranded sa Calaguas Island na nagbakasyon. (Eagle News/Edwin Datan, Jr.)

Related Post

This website uses cookies.