MANILA, Philippines (Eagle News) — Sa kabila ng paglago ng ekonomiya, lomobo pa ang bilang ng mga nagugutom at malnourished sa Pilipinas.
Sa datos ng World Food Program, mula sa 8.3 % noong 2014, umakyat pa sa 13.6 % ang naitalang malnourished hanggang sa huling quarter ng 2016.
Katunayan sinabi ni Martin Betteley, Deputy Representative ng WFP na sa isanlibong batang ipinanganganak, labinlima rito ang namamatay bago pa man umakyat ng limang taong gulang dahil sa matinding malnutrisyon.
Umaabot rin sa 3, 327 na mga bata ang ipinanganganak ng may matinding sakit at stunted o bansot dahil walang sapat na pagkain habang ipinagbubuntis ng kanilang ina.
Bukod sa kulang sa supplay ny pagkain ang kawalan raw ng malinis na palikuran at sanitation ang dahilan kaya maraming bata ang namamatay.
Para maiwasan ang paglobo pa ng datos, inirekomenda na ng WFP ang pagbibigay ng livelihood support sa mga mahihirap.
Kasama na rito ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda na ilan lamang sa matinding apektado ng malnutrisyon.