Hustisya para sa pagkamatay ng SAF 44 ipinangako ni President Aquino

Nangako si Pangulong Benigno S. Aquino III na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015.

Ginawa ng Pangulo ang pangako sa pagbibigay ng medal of valor sa dalawang miyembro ng SAF na sina Senior Inspector Gednat Tabdi at Po2 Romeo Cempron na dalawa sa SAF 44 na namatay sa engkwentro.

Ayon sa Pangulo, nasa sistema ng criminal justice system ng bansa kaya mabagal ang pagkamit ng hustisiya.

Aniya, kailangang rebisahin ang pnp law upang mabago ang mabagal sa sistema.

This website uses cookies.