(Eagle News) — Ayaw na umanong patulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyon na ipinupukol rito kaugnay sa kanyang kampanya laban sa iligal na droga kung saan marami ang namamatay.
Pero giit ng Pangulo pawang walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya at kung totoo man handa umano siyang mabulok sa kulungan sa tamang alegasyon at sa tamang kaparusahan.
“I am ready to go to jail for the right charges, huwag naman iyong pati basura itapon sa akin. I refuse to answer kasi pabalik-balik eh,” pahayag ng Pangulo.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harap ng Philippines Councilors’ League (PCL) sa Pasay City.
Kasunod ng pag-testigo ng self-confessed Davao Death Squad Member na si SPO3 Arthur Lascañas kung saan idiniin syang pasimuno sa umano’y Davao Death Squad.
Una nang sinabi ng pangulo na nabuo ang DDS noong panahon nang Martial Law para labanan ang assassination squad ng New People’s Army pero nilinaw na hindi ito bumuo ng DDS gayung meron na itong mga pulis.