Iba’t-ibang aktibidad ang isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako. Layunin ng mga nasabing aktibidad na lalo pang pagtibayin ang pagkakaisa ng bawat kaanib nito ganoon na rin ang gawain pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos.
Pinangunahan ng mga District Minister ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang EVM Cup sa lalawigan ng Ormoc City, probinsya ng Leyte.
Habang sa Cotabato naman ay nagsagawa rin ng Buklod Night ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na nasa kapisanang may asawa.
Ito ay isang social gathering na naglalayong mapatibay ang samahan ng mag-asawa.
Samantala, isinagawa naman ang “Welcome, Kapatid Ko” sa lalawigan ng Iloilo. Layunin ng nasabing aktibidad na maipadama sa mga nasa proseso ng pag-anib sa Iglesia na sila’y malugod na tinatanggap sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
Isang boodle fight naman ang isinagawa ng mga nasa hanay ng mga Ministro at evangelical workers o manggagawa sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Kalinga at Isabela West kasama ang kani-kanilang pamilya.
Layunin naman ng nasabing aktibidad na lalo pang pag-ibayuhin ang pag-iibigang magkakapatid at upang mabigkis sa pagkakaisa.
(Eagle News Description by Mary Rose Faith Bonalos, Agila Probinsya Correspondents JB Sison, Ramie Inventor, Edgardo Bautista, Danilo Tejada, Dan Pascua, Ben Salazar)