DUMARAN, Palawan (Eagle News) – Iba’t ibang uri ng mga endangered species o nanganganib ng maubos ang nasamsam ng mga operatiba ng municipal police station at bantay-gubat sa Dumaran kamakailan.
Ito ay matapos nilang salakayin ang bahay ng isang nagngangalang Mike Artosilla at mga kasama nito sa Purok Talisay, Brgy. Magsaysay.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay nadiskubre nila ang mga hayop na nasa mga kulungan o hawla:
- 71 Palawan squirrel o bising
- 6 Palawan peacock
- 3 Mangrove snake
- 3 Palawan mongoose
- 7 Stink badger o pantot
Ang mga naturang hayop ay nakatakda sanang ibyahe patungong Batangas nang masabat ng mga awtoridad.
Nai-turn-over na sila sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa tamang pangangalaga.
Inihahanda din ang kaso dahil sa paglabag sa wildlife resources conservation and protection act laban sa mga naarestong indibidwal.
Anne Ramos at Peter Almoroto, Eagle News Correspondents