Ni Mica Alejandro
Eagle News Service
(Eagle News) — Iba’t-ibang grupo ang nagtulong-tulong para magrepack ng relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.
Kabilang dito ang Tagasupil Anti-Crime Group, MRRD-NECC-NCR, na nagtungo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Pasay.
Ang lahat ng mga nirepack ay ipapadala sa lahat ng lugar na nasalanta ng Bagyong Ompong.
Tumulong din umano si Presidential communications office Assistant Secretary Mocha Uson sa pagrerepack at tinignan ang mga ginagawang pagtulong ng ating mga iba’t ibang grupo para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.
Nabatid na nasa higit limandaang libo-katao ang matinding naapektuhan ng Bagyong Ompong na kailangang bigyan ng tulong.
Nagpasalamat naman ang DSWD sa mga organisasyon na patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.