Iba’t-ibang lugar sa bansa, lumahok sa nationwide simultaneous earthquake drill

(Eagle News) — Matagumpay na naisagawa sa buong bansa ang pinaka-unang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa unang quarter ng 2019.

Iba’t-ibang lugar, mga ahensya sa gobyerno, mga paaralan maging ang nasa pribadong mga sektor ang lumahok at pinagsanayan ang pagdu-duck, cover at hold.

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ng Office of Civil Defense.

1st quarter simultaneous earthquake drill, isinagawa sa Baguio City

Nakiisa rin ang lalawigan ng Baguio City sa isanagawang simultaneous earthquake drill, kung saan dinaluhan ito ng iba’t-ibang rescue group at nakipagkaisa naman ang
mga guro at mag-aaral sa Rizal Elementary School sa nasabing lungsod.

1st quarter nationwide simultaneous earthquake drill, isinagawa sa Sanchez Mira, Cagayan

Nakiisa ang munisipyo ng Sanchez Mira, Cagayan sa isinagawang 1st quarter nationwide simultaneous earthquake drill na dinaluhan ng lahat ng empleyado ng munisipyo, mga pulis, fireman, mga guro at estudyante na malapit sa lugar.

Ito ay taunang isinasagawa upang maging aware at laging handa ang ating mamamayan sa mga sakuna katulad ng paglindol.

Ito ay itinuturo din sa mga estudyante upang malaman ng mga mag-aaral ang tamang paraan na kanilang dapat gawin tuwing may darating na lindol.

Related Post

This website uses cookies.