Iba’t-ibang social gatherings ang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas.
Sa lalawigan ng Capiz ay isinagawa ng Iglesia Ni Cristo ang “Welcome Kapatid Ko,” kung saan ay pangunahin bisita sa nasabing aktibidad ang mga nasa proseso na ng pag-anib sa loob ng Iglesia ganoon na rin ang mga bagong kaanib pa lamang.
Sa Pangasinan East naman ay isinagawa ang isang aktibidad na para sa mga Kabaataang may Diwang Wagas o kilala sa tawag na KADIWA. Ito ay isang kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan ng may edad labing walong taong gulang pataas na wala pang asawa.
Ang aktibidad na ito ay tinawag nilang “This is Kadiwa,” na ginanap sa Rosales Gymnasium, Rosales, Pangasinan.
Samantala, isinagawa din sa probinsya ng Zambales ang aktibidad na INCLife Kids Edition. Layunin ng aktibidad na ito na mahubog ang ang mga kabataan sa kagandahang asal at mga maka-kristyanong gawain.
Sa kabilang dako, matagumpay namang naigawa ang Family Fun Day ng pamilya ng mga ministro at evangelical workers ng Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Quezon South. Bilang bahagi ng aktibidad ay nagkaroon ng basketball games, volleyball games at ang huling bahagi ay ang boodle fight.
(Agila Probinsya Correspondents Paolo Koko Victorio, Nathaniel Flores, Rusell Failano, Brian Farmones, Michael Montoya, Description by MRFB)