PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) -Magsasagawa ng mga trainings at seminar sa isang buwan ang pamahalaan ng Pagadian upang maituro sa mga residente ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng lindol, landslide, tsunami, pagbaha o anomang mga sakuna.
Ito ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng siyudad ng National Disaster Resilience Month 2017 na may temang “Kamalayan sa kahandaan, katumbas ay kaligtasan.”
Bahagi rin ng kanilang paggunita ay ang pagsasagawa ng motorcade sa buong siyudad na pinangunahan ng Office of Civil Defense Region 9, pulisya, City Disaster Risk Reduction Management Office, Red Cross, at iba pa.
Ayon kay Director Manuel Luis Ochotorena ng OCD-9, kanila ring tinutukan sa buong Zamboanga Region ang mga terorista at mga lawless elements.
Ferdinand Libor – Eagle News Correspondent