Ibong ‘salimbabatang’ dumagsa at nanirahan sa Poblacion, Banga, Aklan

BANGA, Aklan (Eagle News) – Dumagsa sa bayan ng Banga, Aklan, ang napakaraming ibon na tinatawag nilang ‘salimbabatang’ o ‘barn swallows’ na naglalagi sa mga gawad ng kuryente.

Naging tila agarang ‘tourist attraction’ ang mga nasabing ibon ngunit abala naman para sa ilang mga dumaraan at mga residente na malapit sa crossing ng Banga Rotonda sa Brgy. Poblacion.

Nagbabala si Ms. Ma. Corazon Teodosio, Senior Ecosystem Management Specialist ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan, na huwag patayin o gambalain ang mga ibong ito alinsunod sa Batas Pambansa Blg. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ayon pa sa kaniya, ang paglalagi ng mga ‘salimbabatang’ sa Banga ay isang palatandaan na maayos ang biodiversity sa nasabing lugar. Pwede din aniyang magsilbing bird watching site para sa mga lokal na turista at mga mahihilig sa ibon.

Gayunman ang mga dumi o ipot ng salimbabatang ay maaaring magdala ng pinsala sa mga tao lalo na ng mga airborne diseases. Sa kabilang banda sinabi pa ni Teodosio na nakakatulong ang mga ganitong uri ng ibon sa pagpuksa ng mga pesteng insekto sa mga sakahan at sa komunidad.

Alan Gementiza  – EBC Correspondent, Aklan

Related Post

This website uses cookies.