ICYMI: Fidel V. Ramos, maagang bumoto sa Asingan, Pangasinan

 

ASINGAN, Pangasinan — Maagang nagtungo sa Narciso Ramos Elementary School sa Asingan, Pangasinan si  dating pangulong Fidel V. Ramos, upang bomoto.

Bandang alas-syete ng umaga, dumating ang dating presidente kasama ang kanyang mga kaanak na tumatakbong Board Member ng 6th district ng Pangasinan, si Ranjit Ramos-Shahani, at dating senadora  Leticia Ramos-Shahani.

Ayon kay police chief inspector Melecio Mina, Chief of Police ng Asingan, hindi na sila nagdagdag ng security personnel para sa dating pangulo dahil payapa naman ang kanilang bayan.

Pagkatapos bumoto ay game na nakipag-picture taking si FVR sa mga botanteng naroon.

Nang tanungin kung ano ang inaasahan niya sa susunod na Pangulo ng Pilipinas, sinabi nitong kailangang umaktong Pangulo ng Pilipinas ang susunod na presidente.

Dapat aniyang maging maka-Diyos, maka-kalikasan, makatao at makabansa ang susunod na pangulo ng bansa.

Samantala sa Urdaneta Pangasinan, maagang  nagsidatingan ang mga botante sa Urdaneta 1 Central School sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ang eskwelahan ang pinakamalaking voting center sa lungsod na may registered voters na hindi bababa sa limang libo. Inaasahan na ang isa sa tumatakbong vice mayor ng lungsod ay dito boboto.

Sa labas ng eskwelahan  ay may mga namataang mga bata at ginang na namimigay ng flyers ng mga kandidato sa labas ng eskwelahan.

Ayon kay election officer Miguel Bautista, ito ay ilegal dahil parte raw ito ng pangangampanya gayong ang kampanya ay tapos na.

Wala namang naiuulat  na kaguluhan.

Mula naman sa Palamis Elementary School sa Alaminos, Pangasinan. Problema naman ng ilang botante ang pagsingit sa pila ng ilan, ang resulta hindi ito umuusad at natatagalan sa pagboto. At dahil mainit ang lagay ng  panahon ay umaalis din sa pila ang ilan.

(Eagle News Service Jae Sabado)

 

Related Post

This website uses cookies.