Diskusyon – ID System para sa mga Taxi Driver

Epektibo ngayong taon na ang lahat ng may sasakyan na magpaparehistro sa Land Transportation Office ay required na palitan na ang dati o luma na lisensyadong plaka. Ang dapat umanong ipalit dito ay ang bagong standardized license plate. Layon umano ng nasabing hakbang ay upang masugpo ang mga kawatan sa lansangan. Nitong araw na ito naman, sinimulan na rin ang panghuhuli sa mga taxi driver na walang kaukulang i.d na nakasabit sa rear mirror ng kanilang sasakyan. Ito’y upang madali ring makilala at mapanagot ang mga mapagsamantalang driver o kasabwat ng mga masasamang loob.
Sa harap ng mga ito, hindi kaya maging pahirap lamang ito sa ating mga tsuper at motorista? Aalamin din natin kung epektibo nga kaya ang nasabing mga hakbang upang makatulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.