Basilan binulabog ng IED na pinasabog sa poste ng kuryente

LAMITAN, Basilan (Eagle News) – Muling binulabog ng isa na namang pagsabog ang mga residente ng Lamitan, Basilan noong Miyerkules ng gabi, Marso 8 bandang 12:00 ng hating gabi. Hinihinalang isang improvised explosive eevice (IED) ang itinanim at pinasabog sa isang poste ng kuryente sa kanto ng J. Pamaran at Aguinaldo St., Brgy. Matatag, Lamitan, Basilan.

Wala namang nasugatan o namatay sa nasabing insidente.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matiyak kung anong grupo ang nasalikod ng nasabing pagpasabog. Hindi pa rin matukoy ang motibo ng mga taong nasa likod ng insidente.

Ayon sa ilang mga residente ng naturang bayan, posible anilang may galit sa BASELCO o Basilan Electric Cooperative ang may gawa dahil sa sunud sunod na mga blackout sa buong bayan.

Kristine Garcia – EBC Correspondent, Lamitan, Basilan