Sangguniang panlalawigan ng Tarlac ginawaran ang INC sa mga natamong world record
Pinagkalooban ng plaque of recognition ng sangguniang panlalawigan ng Tarlac ang Iglesia Ni Cristo. Ito ay dahil sa nakamit nitong tatlong world records sa loob lamang ng isang araw.
Sa unang sesyon para sa taong 2016, pangunahing tinalakay sa agenda ng sangguniang panlalawigan ng Tarlac ang pagkakaloob ng plaque of recognition sa Iglesia Ni Cristo dahil sa kanilang natamong tatlong world record sa loob lamang ng isang araw nitong nakaraang taon.
Sa privilege speech ni Board Member Cristy Angles na siyang principal author ng Resolution No.001-2016, tinalakay nito ang pagkakaloob ng plaque of recognition.
Aniya, nararapat lamang na pagkalooban ng pagkilala ang Iglesia Ni Cristo dahil muli na namang nakapagbigay ng karangalan sa bansa ang INC. Na dapat ipagmalaki ng bawat pilipino.
Binanggit pa ni Angeles ang iba pang world records na nakamit ng INC nitong mga nakaraang taon. Kung saan, kabilang na rito ang anim na Guinness world records.
Matatandaan na, tatlo sa Guinness records ay nakuha ng pelikulang Felix Manalo na nag-premiere nitong Oktubre sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria. Pinakahuling iginawad ng Guinness sa pelikula ang “largest paying audience in a screening” na apatnapu’t-limang taong hawak ng pelikula ni Robert Redford.
Bukod sa mga record ng pelikula, nagtapos ang 2015 na nasungkit ng INC at Pilipinas ang nasabing tatlong iba pa. Nilahukan ng 891 ang unang record, para sa “most sparklers lit in a relay”, “largest sparkler lit simultaneously” at “largest fireworks display.”
Sa kabuuan, 14 na ang Guinness world records na hawak ng INC mula sa iba’t-ibang aktibidad na inilunsad nito. Kung kaya’t maliban sa plaque of recognition pagkakalooban din ng isang special plaque of recognition ang INC dahil sa mga natamo nitong world records.
Samantala, pinasalamatan ni Vice Governor Kit Cojuangco Jr., ang NET25 sa pagtutok nito sa isyu ukol sa iligal na pagtatapon ng basura ng bansang Canada sa Capas, Tarlac.
Sa kanilang sesyon, ipinalabas ang inirecord nilang year-end report ng Eagle News correspondent na si Aida Tabamo ang tungkol sa basura ng Canada na hindi lamang nagbigay ng problema sa probinsiya kundi naging isang kontrobersyal na issue pa sa bansa.
Sa pangunguna ng bise-gobernador naghatid ng mensahae ang mga Provincial Board Members bilang pagbati sa Iglesia Ni Cristo sa kanilang natamong world records.
(Agila Probinsya Correspondent Reported by Aida Tabamo)