(Eagle News) — Naglilingap ngayong araw ang Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Masantol at Macabebe, Pampanga.
Ang isinasagawang lingap ay pinangunahan ng Tagapangasiwa ng Distrito ng Pampanga si Kapatid na Alan King Mercado, kasama ang district staffs. Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.
Kapatid man nila sa Iglesia o hindi ay tumanggap ng lingap o goodwill bag na naglalaman ng bigas. Pami-pamilya ang nagtungo dito sa mga kapilya ng INC dito sa bayan ng Masantol at Macabebe.
Masaya namang tumanggap ng lingap ang ating mga kababayan na nasalanta.
Matatandaan na ang bayan ng Masantol ay nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng walang tigil na pag-ulan sanhi ng magkakasunod na bagyo.
Samantala, halos katatapos lamang ng isinagawang lingap ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. San Vicente Macabebe, Pampanga. Marami din sa ating mga kababayan ang natulungan sa isinagawang Lingap sa Mamamayan. (Photos ang details by Andrew Santos)