(Eagle News) — Nagkaloob ang Iglesia Ni Cristo ng libreng serbisyong medical at dental sa mga inmate ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lalawigan ng Catanduanes.
Partikular na rito ang Virac at San Andres District Jails.
Ang mga inmate ay napagkalooban ng libreng konsultasyon at binigyan din sila ng mga libreng gamot gaya ng vitamins upang maiwasan ang pagkakasakit sa loob ng bilangguan.
Ang ilang inmate ay nagpabunot din ng ngipin sa ipinagkaloob na libreng dental services.
Maging ang mga jailguard ay nakinabang din sa lingap na isinagawa ng INC.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng BJMP Catanduanes sa tulong ng INC para sa mga inmates. Ace Casper De Vera