ABUYOG, Leyte (Eagle News) – Nagsimula na ang mga pagsamba ng Iglesia Ni Cristo sa Leyte Regional Prison nitong buwan ng Abril. Ito ay kaalinsabay sa panawagan ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na “Isulong ang Ikapagtatagumpay ng Lahat ng mga Gawain.” Ang pagtatag ng pagsamba ay pinangunahan nina Bro. Jose Sicat, Jr., District Minister at Bro. Cezar Castro, Ministro ng Ebanghelyo.
Ipinagpapasalamat naman ito ng mga inmates ng nasabing bilanguan sa pagkakaroon ng pagsamba sa nasabing bilangguan. Karamihan sa mga inmates ay nagpasya nang magpatuloy na makikinig sa mga Salita ng Panginoong Diyos na sinasampalatayanan ng INC. Patuloy din silang dumalo sa isinagawang mga pagsamba.
Sa pagtutulungan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ay nagkaroon temporary venue sa loob ng prison compound na pagdadausan ng pagsamba.
Vicky Wales – EBCC Correspondent, Leyte East