MADALAG, Aklan (Eagle News) — Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay wala pilipiling dako para tumulong sa ating mga kababayan. Katunayan kahit sa isang liblib na bahagi sa lalawigan ng Aklan ay nagsagawa sila ng Lingap-Pamamahayag. Isinagawa ito sa Barangay Catabana, Madalag, Aklan.
Bagamat biglang bumuhos ang ulan dulot ng Bagyong Carina ay dinaluhan pa rin ng maraming kaanib sa INC kasama ng kanilang inanyayahang mga panauhin ang nasabing aktibidad. Ang pinangunahan ni Bro. Manuel A. Nasol. Sr. District Supervising Minister ng Distrito ng Aklan ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos na pinakatampok sa nasabing aktibidad.
Pagkatapos ng pagtuturo ng mga aral ng Diyos ay namahagi naman ng goody bags ang mga kaanib ng INC sa mga kababayan natin sa dakong ito. Labis ang pagpapasalamat ng mga residente sa pangunguna ni Barangay Captain Remedios Qunitio sa ipinagkaloob ng INC na tulong sa kanila.
Sa kabuuan ay naging matagumpay ang isinagawang aktibidad.
(Eagle News Alan Gementiza – Aklan Correspondent)