Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta mula sa Rizal, Nueva Ecija

BONGABON, Nueva Ecija — Muling  nagsagawa ang Iglesia Ni Cristo (INC) ng isang Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ang mga katutubong ito ay nagmula pa sa Barangay Luna, Rizal, Nueva Ecija.

Pinangunahan ng Supervising Minister ng ecclesiastical district ng Nueva Ecija na si kapatid na Amando B. Bariring  Jr., ang naturang aktibidad sa pamamagitan ng pangangaral ng mga Salita ng Diyos sa mga katutubo .

Nagkaroon din ng salu-salo para sa mga katutubo at pagkatapos nito ay binigyan din ng mga goodie bags ang mga naging panauhin sa Pamamahayag.

Nakipagtulungan naman ang asawa ng mga Ministro at mga Evangelical Workers sa lugar na iyon sa ikapagtatagumpay ng nasabing okasyon.

(Eagle News, Eman Celestino, KristelCajucom, Nueva Ecija Correspondents)

 

 

 

 

Related Post

This website uses cookies.