Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta


TAYABAS CITY, Quezon
(Eagle News) – Labis ang katuwaan ng mahigit kumulang 500 na mga kababayang nating Aeta ng magsagawa ang Iglesia ni Cristo ng Lingap-Pamamahayag sa kanilang lugar sa Brgy. Tungko, Tayabas, City. Pinagkalooban sila ng INC ng pangunahing pangangailangan nila sa araw-araw tulad ng bigas, delata instant food, damit at mga pansariling gamit. Pinangunahan ito ng mga Church Worker na sakop ng Lucena City.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang pinalalawak at pinaiigting ang proyekto ng Iglesia ni Cristo pagdating sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Bahagi ito ng pagkakawang-gawa ng mga miyembro ng INC upang labanan ang kahirapan.

Pagkatapos ng isinagawang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios na sinasampalatayan ng Iglesia ni Cristo ay namahagi sila ng goodwill bags. Natapos ang isinagawang Lingap-Pamamahayag sa isang munting salu-salo.

Erwin Ram Valid at Lei Gagasa – EBC Correspondent, Tayabas, Quezon

Related Post

This website uses cookies.