Iglesia ni Cristo nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ni Bro. Conrado Pascual Jr., ministro ng ebanghelyo ang nasabing aktibidad katuwang mga church officer ng nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na maibahagi ang mga aral na sinasampalatayanan ng INC at makatulong rin sa mga kababayang nangangailangan. Ang aktibidad na ito ay pagpapakita ng pakikiisa ng mga miyembro ng INC sa nasabing dako sa kilusan na labanan ang kahirapan.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga Salita Ng Dios. Pagkatapos ay namahagi sila ng goody bags na naglalaman ito ng bigas, delata at noodles sa mga dumalong panauhin. Namigay din ng refreshment.

Ayon sa isang panauhin, natutuwa siya na may mga ganitong pagtitipon ang INC dahil naibahagi aniya sa kanila ang mga aral na sinasampalatayanan niito. Sa kaniyang pakikinig ay nabuksan din aniya ang kaniyang kaisipan kung ano ba ang INC. Lubos din siyang nagpasalamat sa tulong na ibinibigay ng INC sa mga tulad nilang nangangailangan.

Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan

1084fc4b-6180-4ec6-bb18-8895b1e4109c