Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan sa Caloocan City Jail

CALOOCAN CITY, Philippines (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa Caloocan City Jail. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Elmore Dennis Managuit, ministro ng INC at ng mga kaanib na mula sa lokal ng Caloocan. Tumulong din sa kanila ang mga miyembro ng SCAN International.

Masayang masaya ang mga napagkalooban ng tulong. Lubos ang kanilang pagpapasalamat sa ganitong mga socio civic activity ng INC sa kanilang piitan.

Nagpasalamat naman sa INC si Jail Warden Jolly Taguian ng Caloocan City dahil sa pagtulong sa mga inmates na nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. Ayon sa kaniya, dahil sa ganitong aktibidad ng INC ay nararamdaman ng mga inmates na sila ay bahagi pa rin ng komunidad.

Nasa mahigit 200 inmates ang napagkalooban ng tulong. Inanyayahan din sila ng mga miyembro ng INC na makinig sa mga isinasagawang Bible Study sa loob ng nasabing piitan. Sa kasalukuyan ay ginagawa ng INC ang pagtulong sa lahat ng piitan sa buong bansa. May nakatatag na rin mga pagsamba ang INC sa mga piitan upang matugunan ang pangangailangan espirituwal ng mga inmates.

Nagpasalamat din ang mga miyembro ng INC sa pangunguna ni Bro. Elmore Mananguit dahil nakatulong sila sa mga inmates hindi lamang sa materyal na bagay kundi higit sa lahat ang espirituwal na pangangailangan ng mga ito. Ayon sa kanila, patuloy pa silang makikipagkaisa sa namamahala ng INC sa pangunguna ni Bro. Eduardo V. Manalo sa lahat ng mga aktibidad na ilulusad.

Courtesy: EARLO BRINGAS – Caloocan Correspondent

unnamed (2)

unnamed (3)

unnamed (4)

unnamed (5)

unnamed