GUINOBATAN , Albay (Eagle News) — Nag-abot na rin ng tulong ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Albay sa mga apektado ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.
Aabot sa 70 pamilya o nasa 400 katao ang agarang nabigyan ng tulong ng Iglesia Ni Cristo na nangangailangan ng pagkain.
Ayon kay kapatid na Ruel Castillo, District Minister ng lalawigan ng Albay, isa sa aral sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay ang pagtulong sa kapwa, kaya naman ito ang kanilang ginagawa may kalamidad man o wala.
SCAN International, nakatuwang
Isinagawa ang lingap sa Barangay Masarawag sa bayan ng Guinobatan kung saan isa ito sa apektado ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.
Katuwang ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo ang SCAN International na siya namang agarang tumulong sa lokal na pamahalaan upang ilikas ang mga residenteng nasa 6-kilometer permanent danger zone.
Mayon evacuees, nagpasalamat
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga naabutan ng tulong sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo.
(Eagle News Service Erwin Temperante)