Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa Camarin, Caloocan

Caloocan City (Eagle News) – Masungit man ang panahon, hindi natinag ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Camarin, Caloocan City na patuloy na ipag-anyaya ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga kamag-anak, mga kaibigan, at maging sa kanilang mga kapit-bahay sa isinagawang malaking Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos. Isinagawa nila ito sa Brgy. 174 Covered Court, noong August 26, 2016 at nagsimula bandang 8:00 ng gabi.
Maaga pa lamang ay buong tiyaga ng inikot ng mga kaanib ng INC ang kabuuan ng nasabing Barangay upang mamahagi ng babasahing Pasugo (God’s Message) magazine at ipinag-anyaya ang gagawing Pamamahayag. Pangunahing dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng Barangay sa pangunguna ni Barangay Chairman Enrique Bunag.
Karamihan sa mga naanyayahang dumalo ay nasiyahan sa kanilang napakinggan dahil nasaksihan nila mismo na aktuwal na binabasa sa Biblia ang mga aral ng Diyos. Ang iba sa naanyayahan ay nagpasiya ng magpatuloy sa pakikinig ng mga aral na sinasampalatayanan ng INC. Pinangunahan naman ni Bro. Pepito Mercado, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Metro Manila North ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos.

Courtesy: Sherwin Embalzado – Camarin, Caloocan City

Related Post

This website uses cookies.