Iglesia ni Cristo nagsagawa ng “Welcome Kapatid Ko” sa Pulilan, Bulacan

PULILAN, Bulacan (Eagle News) – Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Welcome Kapatid Ko sa lokal ng Sto. Cristo, Distrito ng Bulacan North. Sa nasabing aktibidad ay ipinadama ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kanilang mainit na pagtangap sa mga bago pa lamang na nagpasyang umanib sa Iglesia.

Nagkaroon sila ng programa na ang iba ay nagpakita ng angking galing sa pag-awit. Nagkaroon din ng parlor games para sa mga inanyayahang panauhin. Namahagi rin ng lingap sa mga naging bisita. Ayon kay Bro. Daniel Flores, bagamat maulan dahil sa habagat hindi naman nagpahadlang ang mga kaanib nito dahil maaga pa lamang ay dumating na sila sa covered court ng barangay na pinagdausan ng aktibidad.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ni Bro. Alexander Apostol, resident minister ng Sto.Domingo.

Courtesy: Jimbo Tejano at Jun Duruin – Baliuag, Bulacan Correspondent

DSC_0026

DSC_0027

DSC_0033

DSC_0036

DSC_0037

DSC_0043

DSC_0048

DSC_0060

DSC_0078