Iglesia Ni Cristo nagsasagawa ng “Lingap sa Mamamayan” sa Barangay San Pedro, San Jose Del Monte, Bulacan

(Eagle News) — Nagsisimula nang dumagsa ang mga kababayan natin sa Barangay San Pedro sa San Jose Del Monte, Bulacan sa gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Area-F.

Ang nasabing lugar ay halos hindi mahulugang karayom sa dami ng mga tao na nakatakdang bigyan ng lingap.

Ang Lingap sa Mamamayan na kanilang isinasagawa ay kaugnay ng pagdiriwang nang nalalapit na kaarawan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.

Bukod pa sa dakong ito, ay isinasagawa rin ang Lingap Laban sa Kahirapan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t-ibang dako sa labas ng bansa.

Inaasahan naman na daan-daang kababayan natin ang mabibigyan ng goody bags na naglalaman ng dagliang pangangailangan ng ating mga kababayan dito sa Barangay San Pedro.

(Eagle News Bulacan Correspondent Rene Boy Ronda)

Related Post

This website uses cookies.