(Eagle News) — Umaabot na sa halos 800 milyong katao sa buong mundo ang nananatiling nasa pinaka-mahirap.
Batay sa pag-aaral ng United Nations noong 2017, 93 (%) percent ng bilang na ito ay nasa rural areas at hindi na naabot ng ayuda ng gobyerno.
Kabilang na rito ang Southeast Asia kung saan kasama ang Pilipinas at maging ang South Africa.
Agrikultura ang kanilang pangunahing ikinabubuhay, pero dahil walang sapat na kaalaman at walang access sa makabagong teknolohiya, mababa pa rin ang kanilang food production.
Ito ang dahilan kaya puspusan ang ginagawang pagtatayo ng Iglesia Ni Cristo ng eco-farming.
Sa Pilipinas, may labing-isang eco farm ang itinatag ng Iglesia Ni Cristo, gaya ng mga sumusunod:
- Alang-Alang, Leyte
- Brgy. Rogongan, Iligan City, Lanao Del Sur
- Paracale, Camarines Norte
- Nueva Era, Agusan Del Sur
- San Miguel, Bulacan
- Brgy Pinugay, Baras Rizal
- Tanay, Rizal
- Naic, Cavite
- Mushroom House, New Era University, Quezon City
Cotabato; - at ang Barrio, Maligaya, Palayan City, Sa Nueva Ecija
Sa Pacarale, Camarines Norte, nabigyan ng direktang pagkakakitaan ang mahigit tatlong libong pamilya mula sa katutubong Kabihug. Nagpasalamat naman ang mga katutubong Kabihug sa ipinagkaloob na pagkakakitaan sa pamamagitan ng eco-farming.
Nagpapasalamat rin ang tribo ng mga Hiligaynon dahil nabigyan sila ng stable na hanap-buhay at napag-aaral na rin ang kanilang mga anak.
Sa mushroom house na ito sa Quezon City, karamihan naman sa mga empleyado ay mga residente sa Leyte na wala nang matitirhan o walang pamilya matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda noong 2013.
Dragon fruit naman ang pangunahing produkto na itinatanim sa sa eco-farm na ito sa San Miguel, Bulacan.
Bukod sa nakakatulong ito para mapababa ang cholesterol sa katawan, marami rin itong taglay na bitamina.
Paggawa ng organic fertilizer, itinuturo sa mga magsasaka
Hindi lang pagtatanim kundi pati ang paggawa ng organic na pataba, itinuturo sa mga farm na ito para mapataas ang kanilang food production.
Ang mga naani partikular na sa mga farm sa Northern Luzon, dinadala sa itinayong Unlad Food Products processing house sa Ciudad De Victoria para doon ipagbili.
Ayon sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo, libu-libong mamamayan na rin ang nabigyan trabaho sa pamamagitan ng eco-farming.
Bahagi ito ng kampanya ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo para i-angat ang buhay ng mga kaanib at labanan ang matinding kahirapan. Gustong-gusto ni Ka Eduardo V. Manalo na labanan ang paghihirap, fight poverty na yan naman ang layunin ng buong mundo, dito sa pilipinas yan ang sinisikap ng Pamamahala.
“Hindi lang dito sa Pilipinas, pati na sa buong mundo, yan ang sinisikap ating Pamamahala ng Kapatid na Eduardo V. Manalo na matulungan ang mga nagdaranas ngayon ng matinding kahirapan,” pahayag ni Kapatid na Glicerio B. Santos Jr., General Auditor ng Iglesia Ni Cristo.
Kinilala naman ng mga opisyal ng gobyerno sa bansa ang ambag ng Iglesia Ni Cristo para tugunan ang problema sa kahirapan.
“Grabe din po ang naitulong, morally and spiritually dito po sa Kabihug, hindi lang yun kahit yung livelihood projects po sa kanila, nalaman ko na marami po silang naimpement. Lalung-lalo na po na we appreciate yung resettlement,”ayon kay Evelyn Jacob NCIP-Bicol Regional Director. Meanne Corvera