(Eagle News) – Dinaluhan ng maraming kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang seminar ukol sa Drug Awareness sa Distrito ng Cagayan South. Ang mga naging tagapagsalita sa seminar ay sina:
- Ms. Ma. Cristina A. Viloria, RN
- PSupt. Jessie Tamayao
- PS Inspector Peter
- PS Inspector Ronilyn Baccay
- Judge Catherine Bangi Allas
Tinalakay naman sa nasabing seminar ang sumusunod:
- Iba’t-ibang uri ng ipinagbabawal na gamot
- Ang masamang epekto ng droga sa tao
- Ang maaring mapinsala sa isang tao na gumagamit ng illegal na droga
- Ang parusa kapag nahuli ang isang tao na gumagamit o nagbibenta ng Iligal na droga.
Pagkatapos ng seminar ay nagbigay ng huling pananalita at pagpapaayo si Bro. Augusto T. Galapon ang Distritct Supervising Minister ng Cagayan South.
Courtesy: Manny Dela Cruz