URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) — Bakas sa mukha ng mga inmates ng Urdaneta City District Jail ang katuwaan ng isagawa ang Medical at Optical Mission na pinangunahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula sa lokal ng Urdaneta, sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East). Isinagawa ito sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Urdaneta Branch sa Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan.
Ang aktibidad na ito sa loob ng piitan ay bahagi ng paggunita ng 5th Bureau of Jail Management and Penology Community Service Relations Month na may temang “Ugnayan at Kaisahan, Serbisyong BJMP Maaasahan”.
Ayon kay Inspector Reynald Ocreto ng BJMP Urdaneta, nagpapaabot sila ng serbisyo hindi lamang sa loob ng piitan kundi maging sa buong komunidad na kanilang nasasakupan. Ito ay karaniwang isinasagawa na nila sa buong buwan ng Hunyo na may layuning makatulong sa komunidad. Dagdag pa niya, panglimang taon na nila itong isinasagawa.
Sa nasabing aktibidad ay namigay ng libreng gamot, reading glass at free eye check-up sa loob ng piitan. Pati na rin sabon at toothpaste.
(Eagle News Luz Abaya at Rusell Failano – Urdaneta City, Pangasinan Correspondent)