INFANTA, Quezon (Eagle Quezon) – Isang kakaibang aktibidad ang isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon na tinawag nilang Soldier’s Appreciation Day. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga Ministro at mga miyembro ng INC na may iba’t ibang skills at trabaho.
Sa nasabing aktibidad ipinadama ng mga miyembro ng INC ang pagkalinga sa mga kabilang sa 1IB, 2ID ng Phililippine Army na nakabase sa Brgy. Tonggohin, Infanta, Quezon na pinangunahan ni Col. Christopher C. Tampus.
Pinasaya ang mga sundalo ng INC members sa pamamagitan ng sumusunod:
- Magic Show na nagdulot ng katuwaan sa mga nanunuod
- Hinandogan ng mga awitin
- Libreng masahe
- Libreng gupit
- Libreng linis ng sapatos
- Libreng linis ng kuko sa kamay at paa
Nagbigay din sila ng gamit sa bahay at mga pagkain para sa mga sundalo. Masayang masaya ang mga sundalo sa serbisyong ipinaranas sa kanila ng mga miyembro ng INC. Ayon sa mga sundalo unang pagkakataon ito na kanilang naranasan sa tagal na nila sa serbisyo.
Masaya rin ang mga miyembro ng INC na nakilahok sa aktibidad dahil nagawa nila ang pagmamalasakit sa ating mga kasundaluhan. Nagpapasalamat din sila kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister dahil pinagtibay ang kanilang kahilingan para maisagawa ang ganitong aktibidad.
Rhea Orozco at Nice Gurango – EBC Correspondents, Infanta, Quezon