Iglesia Ni Cristo sa Zambales, nagsagawa ng Clean Up Drive

AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Nagsagawa ng Coastal Clean Up Drive ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng SCAN International kung saan ay nilinis nila ang baybaying dagat ng barangay Sto. Rosario at Bangantalinga.

Ang ganitong aktibidad ai isa lamang sa maraming Socio-civic Activity na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo.

Kaya bukod sa pamamahagi ng Pananampalatay na siyang pangunahing gawain ng Iglesia Ni Cristo ay nagsagawa rin sila ng ganitong mga aktibidad bahagi ng pagmamalasakit sa ating kalikasan.

(Agila Correspondents Michael M. Montoya, Israel Garcia)

Related Post

This website uses cookies.