(Eagle News) — Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabuluhan at diwa ng EDSA People Power Revolution, 31 taon na ang nakakalipas.
Sa kanyang mensahe na binasa ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang karanasan sa EDSA People Power ay patunay sa kapangyarihan ng mamamayan lalo na kung nagkakaisa para sa pangkalahatang kapakanan.
Kasabay nito, iginiit din ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng repleksyon at pagninilay ngayong ika-31 anibersaryo ng EDSA kung nasaan na ang bansa matapos ang makasaysayang payapang rebolusyon.
Ayon sa Pangulong Duterte, makalipas ang 31 taon, dapat alamin ng sambayanang Pilipino kung ano na ang nakamit at nawala sa mga Pilipino matapos maibalik ang demokrasya.
Kaya sa simpleng paggunita ngayong taon, iginiit ng pangulo na ito ang pinakamainam na pagkakataon para magbalik-tanaw at suriin kung saan tayo galing at saan papunta ang bansa.
Eagle News Service