INFANTA, Quezon (Eagle News) – Isang maganda at maayos na barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan sa Barangay Dinahican, Infanta, Quezon nitong Huwebes, Mayo 18.
Dinaluhan ito ng mahigit sa 500 miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Northern Quezon.
Pinangunahan ang aktibidad na ginanap bandang 6:00 ng umaga ni Kapatid na Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North, katuwang ang ilang mga ministro ng ebanghelyo sa nasabing lugar.
Ito na ang ikapitong ipinatayo sa nasabing dako.
Sa kasalukuyan ay may anim pang sambahan ang malapit na ring matapos.
Nice Gurango – EBC Correspondent, Infanta, Quezon