(Eagle News) — Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar sa Davao Region na isinailalim sa state of calamities dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan at pagbaha.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Davao Information Officer Mc Adrian Nolive Cobero, maliban sa Carmen Davao Del Norte, isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Malita sa Davao Occidental; Tagum City at munisipalidad ng Boston at Cateel sa Davao Oriental.
Ayon sa OCD Davao, nasa anim na libo isang daan at walumput tatlong pamilya mula sa apatnapu’t walong (48) barangay na ang lumikas.
Nananatili ang mga ito sa mahigit apat na pung (40) evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.