MANILA, Philippines (Eagle News) – Mas madaragdagan pa ang bilang ng mga maipasasarang minahan sa bansa ngayong linggong ito dahil sa mga paglabag sa patakarang kapaligiran. Ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa kasalukuyan ay sampu na ang naipasasarang minahan, walo rito ay nagmimina ng nickel ore. Ang pagpapasara at ang posibilidad na mas marami pang minahan ang masususpinde kaya nagbabadyang tumaas ang presyo ng nickel sa mundo.
Tumanggi naman si Enviroment Secretary Regina “Gina” Lopez na banggitin kung ilang minahan pa ang masususpinde ngunit sinabi niya sa media na tiyak na marami pa. Tinukoy din ni Sec. Lopez na may mga batang nagkakasakit sa Marinduque simula pa noong 1996 dahil sa pag-o-operate ng minahan ng copper na Canadian-owned Marcopper Mining Corporation.
Courtesy: Jet Hilario