Ilang bahagi ng Dagupan City binaha dahil sa patuloy na pag-ulan
Dahil sa patuloy na pag buhos ng malakas na ulan, binaha ang ibang bahagi ng Dagupan City at pansamantala munang hindi pinalaot ang mga maliliit na bangka.
Upang maiwasan ang anumang sakuna ay pinag-iingat ang mga tumatawid sa mga isla sa Dagupan na kung saan ang kanilang gamit ay mga maliliit na bangka lamang.
Bagamat wala ng signal warning ang nakataas sa anumang bahagi ng bansa dahil nakalabas na ang bagyong “Egay” subalit patuloy pa rin ang bugso ng malalakas na ulan.
(Agila Probinsya Correspondent Glen Tiempo)