NAIBALIK NA SA NORMAL ANG KURYENTE SA BAHAGING MINDANAO MATAPOS ANG HALOS PITONG ORAS NA BIGLAANG TOTAL BLACKOUT..
NAGSIMULA ANG BLACKOUT DAKONG ALA-1:00 NG MADALING ARAW AT NAIBALIK ANG SUPLAY NG KURYENTE BAGO MAG-ALAS-8:00 NG UMAGA.
PASADO ALAS-4:00 NG MADALING ARAW NG BUMALIK ANG KURYENTE SA CAGAYAN DE ORO CITY, MAS MAAGA KUMPARA SA ZAMBOANGA CITY NA NAGKAILAW NA PASADO ALAS-5:00..
AYON KAY ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA, BAHAGYANG NAHULI SA TARGET NA ORAS NG RESTORATION.
KINUMPIRMA DIN NG NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES O (NGCP) SA NASABING PAGBABALIK-SUPLAY..
SAMANTALA, PATULOY PA RING INIIMBESTIGAHAN ANG SANHI NG BLACKOUT.