Eagle News – Apat na magkakasunod na pagyanig ang naitala mula madaling araw nitong Biyernes (June 16) sa South Cotabato, Batanes at Occidental Mindoro.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, may naitalang lindol sa T’boli, South Cotabato na may magnitude-4.2, bandang 2:07 ng madaling araw ngayon.
Sa General Santos City ay naramdaman ito sa intensity 4.
Sa Sabtang, Batanes, ay may naitalang magnitude-3.8 na lindol, bandang 2:29 ng madaling araw. Naramdanaman naman ito sa Basco, Batanes.
Sa Lubang, Occidental Mindoro, naitala ang isang magnitude-4.3 na lindol 3:16 ng umaga. Agad ding nasundan ito ng ng magnitude-3.3 na lindol kaninang 3:24 ng umaga
Ayon sa Phivolcs, pawang tectonic ang origin ng apat na magkakasunod na lindol.