Ilang Barangay sa Gubat, Sorsogon nakaranas ng pagbaha dahil sa Bagyong Auring

GUBAT, Sorsogon (Eagle News) – Nakaranas ng pagtaas ng tubig ang ilang barangay ng Gubat, Sorsogon particular na ang Barangay San Ignacio dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dala ng Bagyong Auring. Bagamat maaari pang madaanan ang mga lansangang lumubog sa baha ay pinalikas na ng Local Government Unit ang mga residente. Ito ay upang maagapan ang anumang maaaring panganib kung patuloy na tataas ang tubig.
Sa kasalukuyan ay binabantayan ang kalagayan ng baha at inaasahang huhupa ito pagbaba ng level ng tubig sa dagat o low tide.
Arianne Nalugon – EBC Correspondent, Sorsogon
Related Post

This website uses cookies.