Ni Madelyn Villar Moratillo
Eagle News Service
(Eagle News) — Dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong “Pepito,” sari saring basura ang inanod sa Manila Bay white sand beach.
May mga plastik, water hyacinths, mga kahoy at iba pang basura. May mga itim na buhangin rin na inanod at humalo sa dinurog na dolomite.
Pero kahit na may mga black sand na makikitang humalo sa dolomite sand, una nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi ito nangangahulugang nababawasan na ang dolomite sand na nasa Manila Bay. Napatungan lamang daw ito ng black sand at ng ilan pang debris o basura na mabilis namang naaksyunan at nilinis.
Inabutan pa ng Eagle News team ang mga tumpok ng basura na tinipon at nakahanda na para hakutin.
(Eagle News Service)