Ilang civil society group, suportado ang panukala na patawan ng gobyerno ng mas mataas na buwis ang coal

Ilan sa mga miyembro ng nasabing civil society groups na nanawagan para sa mas mataas na buwis ng coal at mababang presyo ng kuryente noong ika-1 ng Disyembre./Mar Gabriel/Eagle News Service/

Ni Mar Gabriel
Eagle News Service

Suportado ng ilang civil society group ang panukala na patawan ng mas mataas na buwis ang coal upang makaipon ng pondo ang gobyerno.

Pero ayon sa Sanlakas at Freedom from Debt Coalition, dapat tiyakin na wala itong pass-through provision kung saan sa consumer na naman ito sisingilin ng mga power company.

Ayon kay Aaron Pedrosa, secretary general ng Sanlakas, sa halip na umasa sa coal na marumi at may masamang epekto sa kalikasan, ang dapat daw na pinagtutuunan din ng gobyerno ay ang pagtatayo ng mga renewable energy sources na bukod sa malinis ay mura pa.

Nanawagan din ang grupo sa Energy Regulatory Commission na wag aprubahan ang pitong power supply agreements ng Meralco sa mga coal companies kung saan nakapaloob ang pagtatayo ng mga karagdagang coal-fired power plant.

Sa harap nito, hinamon din ng grupo ang bagong talagang si ERC chair Agnes Devanadera na tumindig pabor sa mamamayan at wag tularan ang ibang ERC commissioner na sunod sunuran umano sa Meralco.

Ayon naman kay Erwin Puhawan ng Freedom from Debt Coalition, hindi katanggap tanggap ang paulit ulit na abiso ng Manila Electric Co. na magbawas ng konsumo dahil ang dapat daw na bawasan umano ay ang napakalaking tubo ng Meralco.

 

 

 

 

 

 

Related Post

This website uses cookies.