Ilang flight ng PAL, kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon

Tail-end of a cold front affecting the eastern section of Northern and of Central Luzon. Easterlies affecting the Eastern section of Southern Luzon, of Visayas and of Mindanao.Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. (Photo courtesy of https://www.pagasa.dost.gov.ph/)

(Eagle News) — Kanselado ngayong Lunes, Nobyembre 6 ang ilang flight dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang flight ng biyaheng Manila to Basco at pabalik.

Ang mga apektadong pasahero ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng tail-end ng cold front, easterlies at northeast monsoon ang luzon ngayong araw.