Ilang inmates sa Puerto Princesa jail, sumailalim sa tile-setting training

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) –  Nasa 25 na inmates ng Puerto Princesa city jail  ang sumailalim sa tile-setting skills training program ng Technical Education and Skills Development Authority kamakailan.

Sumailalim ang mga inmate na may kinakaharap na kasong pagtutulak ng droga sa 120 hours ng completion assessment.

Sa oras na matapos nila ito ay mapagkakalooban sila ng NC II certificate ng TESDA, na magagamit nila sa oras na sila ay makalaya.

Ayon kay Jail Chief Insp. Lino M. Soriano, jail warden, layunin ng programa na mapagkalooban ng panibagong kaalaman ang mga inmate sa kanilang pagbabagong buhay.

Aniya, magagamit ng mga inmate ang kaalaman sa tile-setting sa paghahanap ng trabaho pagdating ng panahon.

Ayon kay Soriano, marami sa mga inmate na may kinakaharap na kasong pagtutulak ng droga ay nahihikayat sa masamang gawain dahil na rin sa kahirapan.

 

Anne Ramos – Eagle News Correspondent, Palawan

Related Post

This website uses cookies.